TULA: Kabataan Pag-asa pa nga ba ng Bayan?


Ano ang tula?

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may ritmo, sukat, at karaniwang may mga salita o pahayag na pinili para sa kanilang tunog at kahulugan. Karaniwang ginagamit ang tula para ipahayag ang damdamin, karanasan, mga ideya, at konsepto. Ang tula ay isang makulay at masining na paraan ng pagsasalaysay o pagsasalaysay ng emosyon, at ito ay isang mahalagang bahagi ng kultura at panitikan ng maraming bansa sa buong mundo.



KABATAAN PAG-ASA PA NGA BA NG BAYAN?
ni: Rubie Anne B. Luistro 

Mula sa aking pagkabata,

namulat ako sa isang kataga

"Kabataan ang pag-asa ng bayan"

madalas nilang iwika,


Sinubukan kong pagmasdan ang kabataan sa kasalukuyan,

Nakakagulat pati babae malakas na sa inuman

Maraming nabubuntis sa maagang edad,

Kaya ang pag-aaral hindi na naging prayoridad.


Simula nang matutong uminom ng alak at humithit ng sigarilyo,

Ang buhay ay nagmistulang impyerno at umiikot nalang sa bisyo.

Malalakas ang loob, daig pa ang may trabaho,

Habang ang mga magulang ang pinahihirapan nang husto.


Nilamon na nang makabagong teknolohiya,

Umaga at hapon babad sa social media

Ilang sigaw pa ang ang iwiwika ni ina,

Upang masunod ang inuutos niya.


Hindi nagsisinungaling ang aking mga mata, 

Hindi ako nagkakamali sa aking nakikita.

Nasaan na ang kabataang pag-asa ng bayan?

Sila ba ay nararapat pang tularan?


Kabataan gamitin ang iyong isip, talino at talento,

Patunayan ang iyong sarili sa mundo

huwag na tayong mag-alinlangan

Halina't kumilos at paunlarin ang inang bayan. 


Comments

Popular posts from this blog

SULYAP SA WPKP (WIKA, PANITIKAN AT KULTURA NG PILIPINAS)