DAGLI: "TAHANAN"


Ano ang Dagli?

       Ang 'dagli' ay isang salitang nangangahulugan ng 'agaran' o 'madalian.' Ito ay isang maikling anyo ng panitikang naratibo na naglalayong magkwento ng mga pangyayari sa isang mabilis at nakakapigil-hiningang paraan. Karaniwang may mga tauhang sinusundan ang dagli at ito'y nagpapakita ng mga pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ang pagsasalaysay sa dagli ay konektado sa paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap ng mga tao.




"TAHANAN"
ni: Rubie Anne B. Luistro 

 Malapit na ang Pasko, at sa bawat tahanan, makikita ang magkakaibang palamuti.

"Inay, halika, isabit na natin ang mga parol na ginawa ko," sabi ng batang babae.
"Isabay na rin natin ang mga Christmas lights na binili ko," sabi ng Ina.

Sa mga mukha ng mag-ina, makikita ang kasiyahan habang nagkakabit ng mga palamuti sa kanilang munting tahanan.

"Inay, pangako ko po, mag-aaral ako nang mabuti at bibilhan ko kayo ng magandang bahay," sabi ng bata.
"Tama ka riyan, anak. Mag-aral kang mabuti, sapagkat iyon lang ang kayamanang maipapamana ko sa iyo."
 
Agaw pansin ang isang matandang babae na may dalang sako na wari'y naglalaman ito ng mga bote at lata.
"Inay, mukhang may biyaya na naman po tayo, ayun ang Ale nagtatapon ng mga bote at lata kuhanin na po natin."

"Sige anak mamaya na natin ituloy ang pagdidisenyo ng ating munting tahanan" wika ng Ina.

Sabay tulak sa isang sasakyang yari sa kahoy na mayroong apat na gulong na naglalaman ng papel, bote, lata at iba pa. 

Comments

Popular posts from this blog

TULA: Kabataan Pag-asa pa nga ba ng Bayan?

SULYAP SA WPKP (WIKA, PANITIKAN AT KULTURA NG PILIPINAS)