GURO:LIWANAG NG KINABUKASAN

PANDAIGDIGANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA GURO.

Isang malayang taludturang tula na mula sa orihinal na katha ni Rubie Anne B. Luistro. 




"GURO:LIWANAG NG KINABUKASAN"

ni: Rubie Anne B Luistro 


Hindi ko alam kung paano sisimulan

Munting tulang sa iyo'y inilaan,

Nawa'y iyong magustuhan

Mga salitang mula sa kalooban.


Titser, propesor at tagapagturo

Mga salitang bansag ko sayo,

Naging inspirasyon ang iyong mga kwento

Magiging daan sa pag-abot ng pangarap ko.


Mula sa aking pagkabata

Ikaw ang nagsilbing pangalawang tagapangalaga,

Inaalala ang iyong mga kataga

Mabubuting salitang madalas mong iwika


Sa apat na sulok ng paaralan

Doon madalas mo akong damayan,

Sa saya man at kalungkutan

Ako'y hindi mo iniwan. 


Hindi lang simpleng numero

O kaya naman titik o letra ang itinuro mo,

Ngunit kung ano at sino ako

Yun ang sa akin ay hinubog mo.


Ikaw ang patuloy na pumanday

Sa madilim na daan naging aking tagapag-akay,

Hindi ka napagod na sa akin ay umalalay

Ikaw ang hinahangaan kong tunay.


Hindi sapat ang espasyong ito

Upang baybayin ang mga nagawa mo,

Hindi biro ang iyong mga sakripisyo

Nakikita ko ang mga paghihirap mo.


Buong mundo ay nagpaparangal sa iyo

Nawa ay nararamdaman mo,

Maraming tao ikaw ang idolo

Pagkat ikaw ang bayaning totoo.


Comments

Popular posts from this blog

TULA: Kabataan Pag-asa pa nga ba ng Bayan?

SULYAP SA WPKP (WIKA, PANITIKAN AT KULTURA NG PILIPINAS)