LIHIM NA IDENTIDAD


 LIHIM NA IDENTIDAD

   ni: Rubie Anne B. Luistro 


Sa gabing madalim, ay aking nasilayan,

Ang isang bituin sa langit, na sa akin'y nakalaan

Mata'y nangungusap sa dahilang hindi alam,  

Ang pag-usbong ng liwanag ay isang kong kayamanan.


Sa mga karanasang ito, ay aking nahinuha

Ang lihim na taglay, sa loob ng puso't diwa.

Sa kadiliman ng gabi, ay aking natagpuan,

Ang lihim kong kakayahan, nasa ilalim ng buwan.


Sa bawat pagkakataon, na aking nadarama,

Hampas ng hangin, liwanag ng buwan ang kasama. 

Sa tahimik na kalangitan sinasambit ang mga puna, 

Lihim na identidad, hindi malalaman kaylan pa. 


Sa gabing madilim, may lihim ako't bitbit,

Sa aking puso't kaisipan, ito'y nakatago't tahimik. 

Ang lihim na ito, sa ilalim ng buwan kong taglay,

Sa mga gabing tahimik, ito'y aking tinatago't walang kapantay.


Ito'y lihim na kasaysayan, sa kaharian ng aking puso,

Mga pataw at kutya, sa mga mata'y ito'y malabo.

Ngunit sa gabi ng katahimikan, ito'y aking dinadala,

Hinagpis at pagdaramdam, alam ng pangarap na tala.


Sa ilalim ng mga bituin, ako'y nagmumula't lumalago, 

Nagbibigay-lakas, sa totoong buhay problema'y madugo

Nagsimula sa mga pintas, puso ko'y nanlulumo. 

Ang lihim na identidad ay nagpupumilit na tumago. 


Sa lihim na ito, ako'y bukas na naglalakbay,

Sa sarili kong kaharian, sa dilim ng gabi't araw.

Ito'y aking pagmamahal, ito'y lihim kong kwento,

Lihim na identida'y bitbit sa bawat yugto ng buhay ko. 


Sa pag-usbong ng araw, at sa paglubog ng gabi,

Ang lihim ko'y magpapatuloy, sa pag-awit kasama ang sarili. 

Sa dilim ng kalangitan, ako'y nagdaramdam, 

Sa ilalim ng buwan, lihim ko'y hindi malalaman. 


Kasama ang buwan, ako'y patuloy na maglalakbay, 

Kalangita'y nakikinig, bitui'y nakaalalay

Lihim na identidad ang importanteng bagay, 

Liwanag sa dilim ang tulay ng aking buhay.

Comments

Popular posts from this blog

TULA: Kabataan Pag-asa pa nga ba ng Bayan?

SULYAP SA WPKP (WIKA, PANITIKAN AT KULTURA NG PILIPINAS)