SPOKEN WORD POETRY
ANO ANG SPOKEN WORD POETRY?
Ang spoken word poetry ay itinuturing na isang makabagong anyo ng panulaan sapagkat ito'y nagbibigay daan sa mga makabago at malayang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at karanasan. Ito'y nagbibigay diin sa pagsasalin ng personal na karanasan at pang-araw-araw na mga isyu sa malikhain at pwersahang paraan. Sa pamamagitan ng spoken word poetry, ang mga makabagong makata ay nagiging malayang maipapahayag ang kanilang mga damdamin at kaisipan sa paraang malapit at kaakit-akit sa mga tagapakinig.
Pluma ang ginamit na sandata upang imulat ang bawat mata,
Dr Jose Rizal tunay na bayani ka.
Sa pagtuklas ko sa buhay at karanasang dinanas mo
akoy natuto at maraming napagtanto
Nobela, tula at lahat ng makabuluhang mga akda
na wari'y naglalaman ng mahahalagang paksa,
Mula sa iyong pagkabata hanggang sa huling sandali
ng pamamalagi mo sa mundo, ipinakita mo a isang tunay na Pilipino.
Noli at El Fili nobelang isinulat mo upang ipaalam
ang naging karanasan ng inang bayan sa kamay ng dayuhan.
Ikaw ang bayaning hindi inisip ang sariling kapakanan
bagkus kung ano ang makabubuti sa bayan.
Ikaw ang nagpatunay ng kayang gawin ng isang Pilipino,
Akoy labis na humanga sa iyong mga nagawa,
at sa pagkakataong ito Ikaw ang tunay kong idolo ko.
Comments
Post a Comment