ANG BITUING SI LUNA

ANG BITUING SI LUNA Ni: Rubie Anne B. Luistro “Sakaling madapa, huwag bumangon kung saan nadapa; bagkus, gumapang patungo sa lugar kung saan maaaring bumangon nang hindi na muling madapa.” Ito ang prinsipyong pinanghahawakan ng isang dalagang minsang nadapa ngunit gumapang, bumangon, muling nagsimula, at napagtagumpayan ang mga hamon sa kanyang buhay. Mayroon ka bang pangarap? Mga pangarap para sa iyong sarili, pamilya o pangarap para sa bansa o para sa ibang tao. Anuman ang ating pangarap o hangarin sa buhay, mahalaga na malaman na ang katuparan ng ating mga pangarap ay nasa ating mga kamay. Panganay sa apat na magkakapatid si Lunia o mas kilala sa tawag na “Luna”, lumaki siya sa payak na pamumuhay, ngunit maaaninag sa kaniyang pagkatao ang determinasyon na umahon sa kahirapan kasama ang kanyang pamilya at mga magulang na walang humpay sa pagsasaka. Kaya naman pinagbuti niya ang pag-aaral hanggang makapagtapos sa elementarya at nag-uwi nang iba’t ibang karangalan. Pa...